5/22/2009

Careless

wala akong magawa kaya gagawa na lang ako ng isang makabuluhang napapanahong komentaryo:

ok, sino pa kayang tao dito sa Pilipinas ang hindi nakakaalam sa katrina-hayden kho scandal... araw-araw ay halos nasa tv, dyaryo, radyo, internet, tsismis... the issue is so "sizzling hot" (borrowing dr. hayden's comment to katrina in one of the videos) that everyone has something to say. nakakatawa nga kasi, the authorities will say "wag niyo na pong tangkilikin o panoorin ang mga ganitong klaseng video", eh sila nga i'm sure napanood din nila, nyahaha.


pero sa tingin ko, ang dapat sisihin sa pagkalat ng videos na ito ay hindi ang mga taong nanaood dito o namirata/ nagpakalat nito... kundi ang media, sino pa nga ba!? tama bang ipangalandakan sa front page ng newspapers (PDI in yesterday's ish) at sa national TV prime time news programs ang snapshots (prinint screen ata) ng sex videos na siempre ginawang blurred para hindi ma-MTRCB at para kunyari wholesome pa rin. hindi nga ba ang tao, hindi tumatangkilik ng isang bagay kung hindi naman niya ito nakikita (what do you think are the advertisements/ patalastas for). so ngayon, dahil sa nakita ng tao sa tv at newspaper na talagang may video nga, eh ang tendency, mas lalo niya itong tatangkilikin. hello, simpleng logic. dapat hindi na nila (tv and print) papakita ang mga blurred pictures na yan. these only tickle the imagination of the viewers/ readers. these only arouse the interest of the audience. nakakainis. ay oo nga pala, siempre human interest ito, mas mabebenta sa tao mga ganitong issue kaya todo sakay ang media.


ito pa isang nakakainis, bakit nga ba mas uunahin pa ng mga Senators na pag-ukulan ng time (at privilege speech) ang mga ganitong issue. duh. you are not helping katrina and the other women or children na naabuso umano sa mga kalaswaang ganito. mas lalo lang adding insult to injury. puwede ba, manahimik na alng kayo at gumawa na lang ng batas (against internet porno, sex videos and the like...) at ipatupad; at hindi mag-aantay ng human interest stories/ issues na sasakyan niyo lang. para tuloy mas lumalabas kayong tsismoso kesa sa amin eh.



katrina, hindi ko pa napapanood ang sex video mo. wala naman akong access dun. yun nga lang, nagka-LSS na ako sa Careless Whisper na yan. hehe.

5/12/2009

Goin' Bulilit!

Got addicted to this commercial. Rolling on the floor laughing especially sa scene na kumakain ung bata. ang kyuuuuuut! Sa mga hindi nakakaalam, the kid is a 4-year old girl; her name is cha-cha cañeta, mainstay ng Goin' Bulilit.

Bulilit bulilit
Sanay sa masikip
Kung kumilos kumilos
Kay liit liit.
Bulilit
Kung kumilos
Kay liit liit.

5/07/2009

Samu't sari

some random thoughts for the week:
  • i am dying to see x-men origins: wolverine on big screen. bakit kasi ala matinong sinehan dito sa cotabato city. tuloy kelangan ko pang dumayo ng davao city. ang tanong kelan? at worth it bang bumiyahe ng limang oras para lamang makita ang adamantium ni Logan?
  • was speechless when i heard juday's wedding march. "Runaway" is my dream wedding march! waah naunahan ako. sad. tsk tsk.
  • so happy with minilyrics (tnx poi). puwede ko nang sabayan ang mediaplayer. ahehe. instant videoke sa pc.
  • i so love katy perry's "Thinking of You". and the video, galing. The Notebook ang effect. tried so hard to play the song in the guitar. TH kaayo ;(
  • speaking of gitara, bumalik interes ko to learn. promised a friend to teach him the basics. ahaha, di lang nahiya, di naman magaling, magtuturo na.
  • my cellphone doesn't work! heck, have no plans of buying a new one pa naman...
  • i am addicted to Facebook's quizzes. mas nakikilala ko sarili ko. nalaman ko na ako talaga ay may multiple personality disorder at ang superpower ko ay telepathy at ang 6th sense ko ay clairvoyance! haha.
  • my supervisor said today that i am her answered prayer. shucks. natakot tuloy ako. baka madisappoint siya at pagsisihan nyang ipinagdasal niya akong makasama sa work. i hate disappointing people pa naman. it disappoints me!
  • tuwang-tuwa ako ke aling dionesia, hehe. loves to see her on TV and read her in the news (bumile ako ng damit para isuksok ko sa bertdey ko...). i know a very funny tsismis about her, haha.
  • may nickname na ako para sa future pamangkin ko if ever babae siya - ARWEN :) from Arkhe and Wendy's name. cool diba? ung princess ng Elven sa LOTR.
  • missed billiards! tama, yayayain ko si best next week.
  • parang gus2 ko ulit magkeep ng diary. marami kasi mga bagay na gusto ko isulat na hindi puwede dito sa blog... secrets, hmmm.
  • for me, there is nothing wrong with martin's rendition of Lupang Hinirang. sorry NHI, pero oa lang kau. tama, mas importanteng feel na feel mong pinoy ka habang kinakanta niya un. I love martin's statement: "i sang it like it was the last song i'll ever sing". hahay, you can never please everybody jud.
  • one of my boardmates teases me of being "swerte sa lovelife". aw. knock on wood! hehe (basi mabuyagan).
  • Kiko Machine and Pugad-Baboy comics strips are my everyday comic relief providers. officemates always say "katawa lagi ka?" since di ko napipigilang humagighik sa sobrang babaw na humor (note to myself: buy KM comic books).
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...