5/03/2008

my last will and testament

When I die (which by the way, I hope matagal-tagal pa un, Lord), these are the things I want to happen (or else mumultuhin ko kau pag di nu sinunod last wishes ko! Brace yourself, weeh! Not in particular order, though:

1. NEVER take a picture/photo/ snapshot/video, and the likes, of my dead body. Reason: Ayaw ko ngang may remembrance sa akin na patay na. Ayaw kong pagbukas ng album ko ay patay na mukha/katawan ko ang makikita ng tao.

2. Ayaw ko na i-embalsamuhin ako. Siempre, para hindi bumaho ay cremation dapat gawin sa katawan ko (tipid pa ng kabaong). Reason: Ayaw ko na makita na mga tao na ako ay bangkay na at ayaw kong maalala ng mga pamilya at kaibigan ko ang patay kong mukha. I want them to remember ung itsura ko nuong buhay pa. At as a belief na rin. Wala nmang sinabi sa Bibliya/Koran na ang tao ay iniembalsamo.

3. Ung urn ko ang bale ibuburol. Pupunuin ang background ng lahat ng masasayang pictures ko na nakaframe o tarp (magdemand ba?).

4. Dapat normal ang aking burol. Ibig sabihin ay may kape, sugal, the usual scene (sans gulo). It should only last for one week unless may inaantay pa.

5. White balloons should also be placed behind my urn. Reason: Wala lng, paepek lang.

6. Dapat may background music, lahat ng paborito kong kanta. Anything. Mapa-mellow man o rock. Just play them during my wake, wag naman malakas ang volume para solemn kunyari.

7. Maganda cguro if there is a slide show of my pictures, nakaLCD projector, nasa tabi ng urn. Showing starts the time I died. Then unti-unti akong magpapakita... Hehe atik lng uy.

8. Siempre ililibing din ang aking urn. Ayaw ko namang nakadisplay xa sa bahay, baka mabasag pa. Wawa naman ako at mawawalis lng na parang alikabok! ;(

9. During my libing, my mass din. Not necessarily in a church and not necessarily a Catholic. Basta siguradong madadasalan ang aking katawan (abo for that matter) at baka sakaling tanggapin ako sa langit. Hehe.

10. Before my libing, sa sementeryo, I want my friends and family to tell things about me. Bale testimonial ala friendster. Mas maganda if may glittering graphics (Joke lng).

11. Lahat ng personal na gamit ko ay ilalagay sa isang glass na lalagyan at ililibing kasama ng aking urn. Glass para sosyal di agad maaapektuhan ng decomposition.

12. Sa pangkalahatan, ayaw kong maging malungkot ang mga tao sa aking pagkawala. Hayaan nu, magkikita din tau sa kabilang buhay, ahihi.

13. Gusto kong nakaukit sa lapida ko ang mga katagang:
In memoriam, Bona Abigail B. Hilario, 1981-????

– a writer, an artist, a comic, a leader, a worker (etc.)

– who loved us all, blessed us all, inspired us all.


Sobra ba sa pagkafeeling? Wahaha, hayaan nu na, kahit sa lapida man lang.

Heto muna for now. Wala na ako maisip eh. I will just make an update ‘pag may babaguhin ako o idadagdag. Gusto ko rin palang mamatay dahil sa sakit. Ung tipong my family expects that I am dying. At least, makakapaghanda ang pamilya ko. Mas mabilis kasi tanggapin ang death pag ganun. Sana hindi na maulit sa amin/ sa akin iyong nangyari ke mamang. Putchaks, unexpected sa lahat ng unexpected. Deep impact ang sakit which until now ay nanunuot pa rin sa puso ang sakit.

Did you have goosebumps? Because I just did. Hehe, death is really scary. And do you know that I am hoping that death is not masakit. Takot akong mamatay kasi baka masakit. Yung tipong hindi ako makahinga kapag patay na ako. I meant baka may body is just lifeless pero my astral body is trapped in a dark place at barely breathing. Ewan. I want to die in peace so I can rest in peace. Sa ngayon, while I am still alive, I want to celebrate life. Here is my favorite quote nowadays which is also my current shout out:

“I understood that life should be an experience to be lived up to, not survived through”.

Di nman xa gaanong nose bleeding noh? Buti naman. So tsk, relax lang, and be thankful for this gift called LIFE. I am blogging about death not to scare you (and pati na rin sarili ko) but to remind people that death is imminent happens to everyone (alangan). Mabuti na ang handa. Minsan lng ito mangyari noh. (But Lord, inuulit ko i hope matagal-tagal pa un. Salamat po. Amen.)

7 comments:

borries said...

ate:

i was laughing while reading your blog... tas nabasa ko yung bout sa mama mo..
am sorry po ate..

love you po.. yaw ko ding kunin ka agad ni Lord kasi mababawasan na ang mga masasayahing tao dito sa earth..

Christan Libby said...

ate, death is not painful naman daw kaya dont worry. u actually have a moment of calm and freedom from pain(syempre ala kna nararamdaman!) when u die, heheheh. btw un na epitaph mo?

Christan Libby said...

rest in peace lolo, mamang, lola, nanay, and tatay...

Ark said...

So morbid naman this blog is.

iceage said...

respect my will, yan lng mapapamana ko sa inyo, wahaha!

Unortunty said...

Hi!
I made on photoshop glitter myspace pictures.
take a look at them:
http://tinyurl.com/5aqbgn
Thank you 4 your website ;) xoxo

Unlolossy said...

How are you? your website is cool
I have a new band and we just had a live gig you can see here:
http://tinyurl.com/9zdns5

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...